100 pang COVID-19 cases, nadagdag sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 100 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 15, 19,898 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa 19,898, 1,485 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 90 ang bagong gumaling kung kaya 17,194 na ang COVID-19 recoveries.

Nanatili naman sa 1,219 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...