79 pang residente sa Mandaluyong City, gumaling sa COVID-19

Napaulat ang 63 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:34, Martes ng hapon (September 15), 3,861 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 973 ang aktibong kaso.

43 ang itinuturing na probable cases habang 2,021 ang suspected cases kung saan 12,894 ang cleared na.

79 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 2,760 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Umakyat naman sa 128 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...