60 pang COVID-19 cases, napaulat sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 60 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 949 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Martes ng gabi (September 15), 3,885 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 668 o 17.19 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 3,179 o 81.82 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Read more...