Red rainfall warning nakataas sa Palawan at Occidental Mindoro

Credit: PAGASA FB

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na abiso bandang 9,23 Martes ng gabi (September 15), ito ay dulot pa rin ng low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon o Habagat.

Nakataas ang red warning level sa Palawan, kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...