Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 3:00, Martes ng hapon (September 15), umabot na sa 463 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Pito naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 348 na ang total recoveries sa Baguio City habang 11 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 1,872 ang aktibo habang 3,220 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 7,792 na residente habang 19,236 ang nakatapos na.
MOST READ
LATEST STORIES