Gaya ng advertisement ng isang brand ng vitamins, “magastos magkasakit” lalo sa mga panahong ito.
Kayamanan na ituring ang kalusugan at hindi matutumbasan ng pera ang malusog na katawan.
Pero hindi ba kayo nagtataka – may mga taong parang hindi tinatamaan o tinataklan ng sakit. Nakikita mo naman siyang kumakayod sa araw-araw pero bakit parang hindi siya napapagod. Ano nga ba ang kanilang sikreto? (o may sikreto nga ba?)
Sa isang lathalain, tinukoy ang ilang mga pamamaraan kung paano magiging “healthy, wealthy and wise.”
1. Staying fit – isa sa pinaka-mahalagang bagay na dapat nating ugaliin ay ang exercise. Hindi pala sapat na healthy ang iyong kinakain dahil dapat ay i-balanse ito sa pamamagitan ng pag-e-ehersisyo. Hindi daw kasi tama ang katwiran na wala kayong time, ang kailangan lang ay 30-minutes a day na malaking tulong na para sa ating immune system. Hindi kailangan na magpunta sa gym dahil kahit sa bahay lang ay may pamamaraan ng pag-e-exercise. Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang pag-e-exercise ay mabisang panlaban sa mga heart diseases.
2. Eat fresh fruits and vegetables — isa sa pinaka-importanteng aspeto ng healthy diet ang pag-kain ng ibat-ibang uri ng prutas at gulay. Isa sa nirerekomenda ng mga ekspeerto ang mga vegies na matitingkad ang kulay. Mainam kasi itong source ng vitamins and mineral para maging fit at labanan ang anumang sakit.
3. Cleanliness – May kakilala ako na madalas maghugas ng kamay, kaya kung tawagin siya ay OC o obsessive compulsive. Pero biro lang yun. Ang hindi natin alam, may tama pala siya dahil isang mabisang paraan ng pag-iwas sa sakit ay kung pananatiliin nating malinis ang ating katawan. Ugaliin din ang paghuhugas ng kamay para hindi maka-sagap o makuha ang ilang mga sakit gaya ng common colds at flu. Bukod sa katawan, tiyakin din na malinis ang inyong kapaligiran para hindi pamahayan ng germs.
4. Manage your stress – huwag na huwag daw tayong magpapadala sa stress dahil isa ito sa pinagmumulan ng sakit. Base sa pag-aaral ang sobrang stress ay nakaka-apekto sa immune system at maging sa ating puso. Kapag nakararamdam daw kayo ng stress – magrelax gaya ng pag-lakad-lakad. At matuto ding maglibang pag may time at mahalaga din ang pagiging positibo sa buhay.
5. Get enough rest and sleep – Ang kakulangan sa pagtulog ay may malaking epekto sa ating mental at physical health. Rekomendado ng mga eksperto ang anim hanggang walong oras para masigurong nasa tamang kundisyon ang katawan. Ang sapat na tulog ay nakakatulong daw para matiyak na nasa tamang kundisyon ang ating blood pressure at cholesterol levels.
So wala palang sikreto sa pagiging healthy.
Laging kong sinasabi sa anuman ang meron tayo, anuman ang nangyayari sa buhay – mahalagang maging positibo dahil kung positibo natin itong haharapin malalagpasan din yan. Keri lang.
Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (Mon-Fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat & Sun 11:00-12:00nn)