Drug suspect, timbog matapos mahulihan ng shabu sa Cebu City

Arestado ang isang drug suspect sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Cebu City, Martes ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Sambag II bandang 11:15 ng umaga.

Nahuli sa operasyon ang drug suspect na si Maricar Esmero Llaguno, 40-anyos na residente ng Barangay Banawa.

Nakilala si Llaguno bilang isang target listed drug personality na nag-ooperate sa Cebu City.

Nakumpiska kay Llaguno ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,000.

Nakuha rin sa drug suspect ang ginamit na buy-bust money at iba pang non-drug evidence.

Mahaharap si Llaguno sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...