Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin pa rin

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 5:13 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Cavite, Laguna, Nueva Ecija at Pampanga.

Maaapektuhan din nito ang Doña Remedios Trinidad sa Bulacan; Calatagan sa Batangas; Buenavista at San Narciso sa Quezon; at Mariveles, Bataan.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...