Naglabas na ang Department of Health (DOH) ng license to operate sa Valenzuela Hope Molecular Laboratory.
Ibinahagi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang dokumento mula sa kagawaran.
Makikita na pirmado ang dokumento ni Health Facilities and Services Regulatory Bureau (HFSRB) Director IV Atty. Nicolas Lutero III, CESO III.
Ayon sa Valenzuela City government, pumasa ang naturang laboratoryo sa final stage ng proseso ng DOH para sa laboratory registration.
Dahil dito, maaari nang makapagsagawa ang molecular laboratory ng independent testing para sa COVID-19 sa pamamagitan ng Realtime PCR.
MOST READ
LATEST STORIES