DOH, nakatanggap na ng higit 8,000 health workers sa ilalim ng emergency hiring program

Nakatanggap na ang Department of Health (DOH) ng 8,056 health workers sa ilalim ng emergency hiring program kasabay ng laban sa COVID-19 pandemic.

Base sa datos hanggang September 12, katumbas ito ng 75.34 porsyento ng 10,693 job openings para sa mga doktor, nurses, at iba pang medical worker.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na 43 porsyento sa hired medical workers ay itinalaga sa mga pampublikong ospital, 17 porsyento sa mga laboratoryo o COVID-19 diagnostic facilities, at 15 porsyento naman sa isolation facilities.

Nasa 12 porsyento naman ang naka-deploy sa local government units at iba pang ospitals habang pitong porsyento sa COVID-19 referral facilities.

Kasabay nito, sinabi ni Duque na patuloy silang umaapela sa mga mayroong medical training na makiisa sa hakbang upang labanan ang pandemya.

Nagparating din ng pagbati ang kalihim sa matatapang na health workers na nakiisa para protektahan ang mga pasyente.

Read more...