Metro Manila, maraming lalawigan patuloy na uulanin ayon sa PAGASA

Patuloy na makararanas ng pag-ulan sa sa Metro Manila at maraming mga lalawigan sa Luzon.

Ito ay dahil sa Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa na binabantayan ng PAGASA.

Sa inilabas na rainfall advisory number 2 ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Martes, Sept. 15, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Cavite, Rizal, Tarlac, Bataan, Pampanga, Laguna, Batangas at Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar ang mararanasang patuloy na pag-ulan.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa susunod na mga oras.

 

 

Read more...