Highest single-day increase ng COVID-19 cases naitala sa Quezon

Nakapagtala ang lalawigan ng Quezon ng highest single-day increase ng COVID-19 cases.

Sa datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office ng lalawigan, kahapon ay may naitalang 47 na dagdag na mga kaso.

Ang Lucena City ang may pinakamaraming naitalang bagong kaso na umabot sa 11.

Sa Tayabas City, kabilang sa mga bagong kaso ay isang one-year old na sanggol.

Ang Quezon ay mayroon nang 1,472 na total confirmed cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,029 ang gumaling na, 395 ang active cases at 48 ang pumanaw.

 

 

Read more...