Pangulong Duterte umapela sa mga pribadong ospital na taasan pa ang kanilang bed capacity para sa COVID-19 patients

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong ospital sa bansa na taasan pa ang kanilang bed capacity para sa COVID-19 patients.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos na makapagtala kahapon na mataas na bilang ng nasawi sa COVID-19 na umabot sa 259.

Ayon sa pangulo, umaasa siyang makapagdaragdag ng COVID-19 beds ang mga pagamutan lalo pa at patuloy pang nadaragdagan ang COVID-19 cases sa bansa.

Sa ngayon, required ang mga pribadong ospital na ilaan ang 20 percent ng kanilang bed capacity para sa COVID-19 patients.

Habang 30 percent naman sa public hospitals.

 

 

Read more...