Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 176.20 meters alas-6:00 umaga ng Martes (September 15) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 176.65 meters.

Bahagya ding nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.15 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.26 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.01 mas mababa sa antas nito kahapon na 79.04 meters.

Samantala, ang water level ng Binga dam ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

 

 

 

Read more...