Bahagi ng Cavitex sarado sa mga motorista simula ngayong araw

Sarado sa mga motorista simula ngayong araw Sept. 15 ang isang linya ng Cavitex sa Parañaque City.

Ang pagsasara sa innermost lane (southbound) ng Cavitex malapit sa Parañaque Bridge ay tatagal ng tatlong buwan o hanggang sa Dec. 15

Ito ay para bigyang-daan ang pipe relocation na gagawin ng Maynilad sa naturang lugar.

Maaapektuhan kasi ng ginagawang LRT-1 Cavite Extension Project ang pipe ng Maynilad.

 

 

Read more...