Metro Manila, maraming lalawigan sa Central at Southern Luzon inuulan dahil sa LPA

Nakararanas na ng pag-ulan ang Metro Manila at maraming mga lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 6:27 ng umaga ngayong Martes, Sept. 15, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija at Pampanga.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar ang mararanasang patuloy na pag-ulan.

 

 

 

Read more...