Ito ay dahil sa Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 225 kilometers west northwest ng Catarman, Northern Samar.
Ayon sa PAGASA, may tsansa itong mabuo bilang ganap na bagyo bukas, araw ng Miyerkules o sa Huwebes.
Tatawagin itong “Leon” sa sandaling maging ganap nang bagyo.
Dahil sa naturang LPA, ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Mindanao at lalawigan ng Aurora ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.
Sa nalalabi namang bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap na papawirin lang ang iiral.
MOST READ
LATEST STORIES