Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo ngayong umaga

May bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Piso ang rollback sa kada litro ng gasolina, P1.55 sa kada litro ng diesel at P1.45 centavos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Sept. 8 ang rollback ng mga kumpanyang Petron, Shell, Flying V, Sea Oil, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, PTT, Unioil at Total.

Ang kumpanyang Chevron ay nauna nang magpatupad ng rollback alas 12:01 ng madaling araw.

Habang alas 8:01 ng umaga epektibo ang rollback ng Cleanfuel.

 

 

 

Read more...