Duterte, naungusan si Binay sa Laylo survey, pero Poe, Duterte at Binay, statistically tied

presidential-aspirants-0210Bagaman dikitan ang laban, nananatiling si Senator Grace Poe ang nangunguna sa latest Laylo survey na isinagawa mula Febaruary 24 hanggang March.

Ayon sa survey, si Poe ay nakakuha ng 26% na mas mababa ng 3% kumpara sa 29% na nakuha nito noong January survey, habang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay naunahan na sa number 2 spot si Vice President Jejomar Binay.

Nakakuha si Duterte ng 24% na mas mataas ng 4% sa January survey habang si Binay ay nakakuha naman ng 23% na may 1% na pagtaas kumpara sa nagdaang survey.

Ayon kay Jun Laylo, resident pollster ng The Standard, maituturing nang statistically tied sa number 1 spot ang tatlong presidential candidates.

Samantala, si Liberal Party bet Mar Roxas ay nakakuha ng 22% habang si Senator Miriam Santiago ay 2%.

Isinagawa ang nasabing survey matapos pormal na magsimula ang campaign period.

Aabot sa 3,000 ang respondents sa nasabing survey na pawang mga registered voters at nagsabing tiyak silang boboto sa May elections.

Read more...