2 patay 1 sugatan sa pamamaril sa Pasay City at Maynila

crime-scene-e1400865926320Dalawa ang nasawi at isa ang sugatan sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Pasay City at Maynila.

Sa Malibay, Pasay, nasawi ang construction worker na si Lauriano Briton – 30 anyos at nasugatan ang Steelman na si Robert Paternal matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek.

Dead on the spot si Briton at ginagamot naman ngayon sa San Juan De Dios Hospital si Paternal.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lang nakaring ng magkakasunod na putok ng baril ang mga tao sa lugar at ng lingunin nila ang pinanggalingan ng tunog ay duon na nila nakita na nakahandusay sa kalsada ang dalawa.

Wala namang nakakita sa bumaril sa dalawa.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Pasay City Police ang naturang insidente

Samantala, sa Quiapo Maynila, patay ang isang 19-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng apat na suspek.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Salek Maruhum na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa lugar nang mapagtripan ng apat na suspek sa Castillejos St., Quiapo.

Sinasabing isang sasakyan ang nabasagan ng windshield sa lugar at pinaghinalaan na ang grupo ni Maruhum ang nasa likod ng pagbasag.

Read more...