Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 30,884

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (September 14, 3:00 PM) nakapagtala ng 455 na bagong kaso kaya pumalo na sa 30,884 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 8,867
Laguna – 9,883
Batangas – 5,027
Rizal – 5,673
Quezon – 1,434

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 15,439.

Nasa 14,695 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 187 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 4,806
Laguna – 5,115
Batangas – 2,464
Rizal – 1,599
Quezon – 711

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 9 kaya umabot na sa 750 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 198
Laguna – 197
Batangas – 115
Rizal – 197
Quezon – 43

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

Read more...