Mga gumaling sa COVID-19 sa Navotas City, nadagdagan ng 43

Nasa 10 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Lunes ng gabi (September 14), umakyat na sa kabuuang 4,689 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 341 ang aktibong kaso o katumbas ng 7.3 porsyento.

43 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,216 na ang total recoveries o 89.9 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 132 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...