Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipinong naapektuhan ng nangyaring forest fire incidents sa West Coast ng Estados Unidos.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) confirms that no Filipinos have so far been reported affected by the recent forest fire incidents across the United States’ West Coast,” batay sa pahayag ng kagawaran.
Pinayuhan naman ng DFA ang publiko na abangan ang mga abisong ilalabas ng Philippine Foreign Service Posts sa mga apektadong lugar.
Maaari ring makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Los Angeles at Philippine Consulate General sa San Francisco upang makakuha ng bagong impormasyon ukol sa forest fire at kinakailangang tulong.
MOST READ
LATEST STORIES