Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na mula sa unang P73.5 bilyon para sa 2,933 proyekto, lumubo na ito sa P135.8 bilyon para sa 5,913 proyekto.
Kaya aniya mula sa una nilang nadiskubre na P469 bilyon, ito ay naging P532.3 bilyon na kasama ang kabuuang lump sums na P396.4 bilyon.
Paliwanag pa ni Lacson, dahil ikinokonsidera nang ‘under operations’ sa panukalang budget ng DPWH ang kabuuang inilaan na P613.1 bilyon, 87 porsyento nito o P532.3 bilyon ang kuwestiyonable.
Sinabi nito na kailangang ipaliwanag sa plenary budget deliberations ang mga kuwestiyonableng paglalaaan ng pondo at aniya, malalaman kung ang mga pagkakamali sa paglalaan ng pondo ay palalagpasin o haharangin ng Kongreso.
“Therefore, if my colleagues will not allow such major rectification, we may see a 2021 GAA that is reduced by more than half a trillion pesos,” sabi ng senador.