Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 3,872 na

Nasa 3,872 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (September 14), sa nasabing bilang ay 679 ang aktibong kaso.

611 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 487 ang suspected cases.

Samantala, 3,066 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 127 naman ang nasawi.

Read more...