Walo pang barangay sa Quezon City, nagbukas ng sariling quarantine facility

Binuksan na ang sariling quarantine facilities ng walo pang barangay sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City government, layon nitong mas makapaghatd ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod.

Nitong nagdaang weekend, isa-isang binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga bagong bukas na pasilidad.

Kabilang sa mga may bagong quarantine facility ay ang Barangay Holy Spirit, Barangay Masagana, Barangay Milagrosa, Barangay Dioquino Zobel, Barangay Bagumbuhay, Barangay Duyan Duyan, Barangay Silangan at Barangay Bayanihan.

Read more...