Paluan, Occidental Mindoro nilindol

Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 29 kilometers Northwest ng Paluan dakong 6:13 ng gabi.

Tectonic ang origin nito at 32 kilometers ang lalim.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Read more...