Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Lunes ng umaga (September 14).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,448,014 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 88.03 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,314,572 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,080,680 milyon naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,766,330.
Umabot naman sa 7,710,294 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,796,621 sa Senior High School.
Nasa 1,727,608 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 382,383 sa Alternative Learning System.
64,778 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.