Nagbanta ng nuclear strikes ang North Korea laban sa South Korea at sa Estados Unidos, kasunod ng paghahanda ng dalawang bansa sa paglulunsad ng large-scale joint military drills.
Ang banta ng pag-atake ay inilarawan bilang “pre-emptive nuclear strike of justice” sa inilabas na pahayag ng National Defence Commission ng North Korea.
Magugunitang noong nakaraang linggo, inatasan ni North Korean leader Kim Jong-Un na ihanda ang kanilang nuclear weapons at mga sundalo sa sandaling kailanganin nilang umatake.
Ayon sa National Defence Commission ng North Korea, ang South Korea-US military exercises ay isang “nuclear war drills” na banta sa kanilang soberenya.
Dahil dito, sinabi ng NoKor nahanda sila sa all-out offensive para malabanan ang military action ng US at South Korea.
Sa pahayag na inilabas ng KCNA news agency, sa ilalim ng military plan ng North Korean leadership, ang mga pag-atake ay tatergetin ang US bases, maging ang mga sinehan sa Korean peninsula, at ang iba pang bahagi ng Asia-Pacific region.