19 arestado sa anti-illegal drugs operation sa QC

FILE PHOTO/Erwin Aguilon
FILE PHOTO/Erwin Aguilon

Labingsiyam katao ang arestado sa isinagawang anti–illegal drugs operation sa Quezon City.

Aabot sa P135,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Barangay Sikatuna, Barangay Botocan at Barangay North Fairview.

Isinagawa ang operasyon matapos makakuha ng tip ang mga tauhan ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs na may mga bahagi ng tatlong barangay na ginagawang drug den o kuta ng mga nagpapot session.

Bago ang operasyon, nagsagawa muna ng isang buwang surveillance ang mga otoridad at nang makumpirma na positibo ay dito ikinasa ang operasyon.

Sa Brgy. North Fairview nagkaroon pa ng bahagyang tensyon nang umalingawngaw ang ilang putok ng baril sa target area sa Bolivar Street.

Ayon kay Police Insp. Manuel Laderas, ang tinatawag na ‘gater’ ang nagpaputok ng baril upang magsibilbing warning shot sa mga kasamahang nasa loob ng drug den.

Naaresto sa operasyon ang target na si ‘Elmer’ habang nakatakas naman ang nagpaputok ng baril matapos tumalon sa ilog.

Read more...