Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:19 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Pampanga, Cavite, Quezon, Tarlac at Bataan.
Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Metro Manila partikular sa Quezon City, Malabon, Navotas, Valenzuela, Manila, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati at Marikina.
Asahang uulanin din ang bahagi ng Cuenca, San Jose, Batangas City, San Pascual, Alitagtag, Bauan at San Luis sa Batangas.
Maaapektuhan din ang Cainta at Antipolo, Rizal: Masinloc, Zambales.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.