Casiguran, Aurora nilindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Aurora.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 8 kilometers Southeast ng Casiguran bandang 12:29 ng tanghali.

May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa Casiguran at iba pang karatig-bayan.

Sinabi rin ng ahensya na walang inaasahang aftershocks na tatama sa lugar.

Read more...