Deliberasyon ng Kamara para sa 2021 budget ng Office of the President sinabayan ng protesta

Nagsagawa ng kilos protesta sa labas ng Batasang Pambansa ang iba’t ibang grupo.

Kasabay ito ng pagsasagawa ng deliberasyon ngayong araw ng Kamara sa 2021 budget ng Office of the President.

P8.23 billion na budget ang panukalang ng OP para sa 2021.

Ayon sa grupong College Editors Guild of the Philippines o CEGP, kontrobersiyal ang naturang panukalang budget dahil sa pagkakaroon nito ng confidential at intelligence funds.

Sigaw ng grupo, alisin ang budget para sa militarisasyon.

Sa halip, ilagay na lang ito sa ibang mas mahalagang dapat paglaanan gaya ng social services.

 

 

 

Read more...