Mga kumpanya ng langis inilabas na ang halaga ng ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo

Naglabas na ng eksaktong halaga ng ipatutupad na rollback ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Shell, P1 ang bawas sa kada litro ng gasolina; P1.45 sa kada litro ng kerosene at P1.55 sa kada litro ng diesel.

Ganito rin ang halaga ng bawas presyo na ipatutupad ng Petro Gazz sa kanilang produktong gasolina at diesel.

Alas 6:00 ng umaga bukas araw ng Martes (Sept. 15) epektibo ang rollback ng mga kumpanya ng langis.

 

 

 

Read more...