Mga nakaparadang jeep sa Cebu City tinupok ng apoy

Nasunog ang mga nakaparadang pampasaherong jeep sa Cebu City.

Nangyari ang sunog sa garahe sa C. Padilla Street.

Ayon kay Fire Officer 2 (FO2) Fulbert Navarro, nagsimula ang sunog 2:58 ng madaling araw ngayong Lunes, September 14.

Labingpitong minuto ang nakalipas ay agad ding naideklarang kontrolado na ang sunog.

Patuloy pa ang imbestogasyon sa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

 

 

 

Read more...