Water level ng ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 176.65 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (September 14) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 177.21 meters.

Bahagya ding nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.26 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.30 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.04 mas mababa sa antas nito kahapon na 79.07 meters.

Samantala, ang water level ng Binga at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque at Magat dams.

Ang water level naman ng Pantabangan dam ay nanatili sa 182.46 meters.

 

 

 

Read more...