Umabot na sa mahigit 4.8 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.
Sa magdamag, mahigit 93,200 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.
Mahigit 3.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 988,000 pa ang active cases.
May naitala ding dagdag na mahigit 1,100 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay mahigit 79,000 na.
Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.
READ NEXT
Metro Mayors nagkasundong isara ang lahat ng sementeryo sa NCR mula Oct. 29 hanggang Nov. 4
MOST READ
LATEST STORIES