Metro Mayors nagkasundong isara ang lahat ng sementeryo sa NCR mula Oct. 29 hanggang Nov. 4

Nagkasundo ang lahat ng Metro Mayors na isara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa kani-kanilang nasasakupan sa panahon ng Undas.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman, at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez batay sa napagkasunduan ng mga alkalde sa buong Metro Manila, isasara ang mga sementeryo simula October 29 hanggang November 4.

Layon nitong matiyak na hindi dadagsa sa mga sementeryo ang publiko sa panahon ng Undas at maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Ayon kay Olivarez, hinihikayat ang publiko na gawin na ang pagdalaw simula sa panahong ito.

Patuloy din ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga sementeryo sa Metro Manila na nakasailalim pa rin ngayon sa general community quarantine.

Read more...