Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 37 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-6:16 umaga ng Lunes (September 14).
May lalim na 72 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Una nang niyanig ng may kalakasang lindol ang lalawigan ng Davao Occidental simula kaninang madaling araw.
Dalawang beses nakapagtala ng magnitude 4.5 na lindol sa Sarangani Davao Occidental ang una ay 12:50 ng madaling araw at ikalawa ay 4:41 ng madaling araw.
Nakapagtala din ng magnitude 3.5 at 3.1 na lindol sa lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES