Mga nahuling lumabag sa quarantine measures sa Navotas, mahigit 6,500 na

Simula August 19, 2020 umabot na sa mahigit 6,500 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa quarantine measures sa Navotas City.

Ayon sa Navotas City Local Government Unit, batay sa datos ng Navotas City Police, 6,566 na ang mga nahuling lumabag sa mga umiiral na quarantine measures.

Sa nasabing bilang, 4,103 ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask.

Mayroon namang 2,064 na nahuling lumabag sa curfew.

Habang 399 ang nahuli dahil sa paglabag sa 1-2 metrong physical distancing.

Ngayong araw, Sept. 13, mayroong 90 na nahuli.

83 dito ay pawang nasa hustong gulang, habang 7 ang menor de edad.

 

 

 

 

 

Read more...