Huli itong namataan sa layong 175 kilometers East ng Davao City, Davao del Sur.
Posibleng maging isang ganap na bagyo ang naturang LPA ayon sa PAGASA.
Samantala, ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA sa Northern Luzon ay nakalabas na ng bansa kaninang alas 2:00 ng madaling araw.
Dahil sa LPA sa Davao City ang buong Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin lang ang iiral na may isolated na pag-ulan.
MOST READ
LATEST STORIES