Mula sa isang metro, binabaan na sa 0.75 meter na lang ang distansya sa pagitan ng mga pasahero base sa inaprubahang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), layunin nitong maitaas ang rider capacity ng mga pampublikong tranportasyon.
Dahil dito, sa MRT-3 aabot na sa 204 na commuters ang maisasakay ng isang train set mula sa dating 153 na pasahero.
Handa na rin itong ipatupad sa iba pang railway systems gaya ng LRT-1 at LRT2.
Sa mga tren ng MRT at LRT ay bawal ang pagsasalita at pagsagot ng tawag sa anumang digital device.