COVID-19 cases sa Zamboanga City, nasa 1,393 na

Umabot na sa 1,393 ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Zamboanga City.

Sa huling datos hanggang September 11, 434 ang aktibong kaso sa nasabing bilang.

Mula rito, 407 ay bunsod ng community transmission, 16 ay locally stranded individuals (LSIs), pito ang bilanggo, tatlo sa City Reformatory Center o CRC-related at isa ay returning overseas Filipino (ROF).

Base rin sa tala, 897 na ang gumaling na residente ng Zamboanga City sa COVID-19.

62 naman ang pumanaw bunsod ng pandemya.

Read more...