Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:42 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Cavite.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Batangas partikular sa Taal, Agoncillo, Lemery, Lian at Nasugbu.

Asahang uulanin din ang bahagi ng Botolan, Iba, Palauig, San Antonio, Castellijos, Olongapo, San Felipe at Masinloc sa Zambales.

Maaapektuhan din ang Limay, Bataan.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...