Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 919,000 na

Pumalo na sa mahigit 919,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 919,715 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 197,421.

Sumunod na rito ang Brazil na may 130,474 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 77,506 naman ang death toll sa India habang 70,183 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 41,614
– Italy – 35,597
– France – 30,893
– Peru – 30,470
– Spain – 29,747
– Iran – 22,913
– Colombia – 22,518
– Russia – 18,365
– South Africa – 15,378
– Chile – 11,850
– Argentina – 11,148
– Ecuador – 10,836

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 28,659,610 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 20,585,981 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...