Cardinal Luis Antonio Tagle nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Kinumpirma ito sa website ng The Vatican.

Ayon sa The Vatican, nagpositibo sa sakit ang cardinal nang dumating siya sa Pilipinas noong Huwebes.

Asymptomatic naman si Tagle at ngayon ay nakasailalim sa quarantine.

Kinumpirma din ng news service ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang ulat.

“Cardinal Luis Antonio Tagle tests positive for #coronavirus upon his arrival in Manila yesterday, Vatican News reported. He is asymptomatic and in quarantine,” ayon sa CBCP News.

Sinabi ng Vatican News na minomonitor na ang mga nakasalamuha doon ni Tagle.

Si Tagle ay kasalukuyang naninilbihan bilang Prefect of the Congregation for the New Evangelization of Peoples sa Vatican.

 

 

 

 

 

 

Read more...