Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (September 11, 3:00 PM) nakapagtala ng 1,284 na bagong kaso kaya pumalo na sa 28,656 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 7,793
Laguna – 9,398
Batangas – 4,613
Rizal – 5,488
Quezon – 1,364
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 14,514.
Nasa 13,433 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 930 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 3,828
Laguna – 5,115
Batangas – 2,268
Rizal – 1,550
Quezon – 672
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 30 kaya umabot na sa 709 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 174
Laguna – 194
Batangas – 108
Rizal – 191
Quezon – 42
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay