Kinumpirma ito ni Senator Christopher “Bong” Go.
Noong nakaraang buwan nang maratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang naturang batas.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglalaan ng stimulus package na P140 billion sa regular appropriation at P25 billion bilang standby funding.
Ito ay para sa pagtugon ng bansa sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Malaking bahagi ng budget ay mapupunta sa loans para sa mga sektor na labis na naapektuhan gaya ng micro, small and medium-scale enterprises, transport, tourism at agriculture.
Sa ilalim ng batas ay naglaan din ng allowances sa mga estudyante sa private at public elementary schools, high schools, at colleges na ang magulang ay nawalan ng trabaho.
Bibigyan din ng retroactive payment na P100,000 hazard duty pay ang mga health workers; kukuha ng dagdag na emergency health workers; at magbibigay ng risk allowance sa public at private health workers na kumakalinga sa COVID-19 patients.