Maraming lalawigan sa Southern at Central Luzon patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa mga lalawigan sa Central Luzon at Southern Luzon dahil sa thunderstorm.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 1:57 ng hapon ngayong Biyernes, Sept. 11, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, at Batangas.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, mga bayan ng Antipolo, Cainta, Taytay, Angono, at San Mateo sa Rizal; Meycauayan, Marilao, at Santa Maria sa Bulacan; San Pablo, Laguna; Tiaong, Candelaria, Tagkawayan, at Calauag sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

 

 

Read more...