Naujan, Oriental Mindoro niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ang lindol ay naitala sa layong 6 kilometers southwest ng bayan ng Naujan alas 12:52 ng hapon ngayong Biyernes, Sept. 11.

Ayon sa Phivolcs, 7 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity V – Santa Cruz, Occidental Mindoro
Intensity IV – Abra de Ilog, Sablayan Occidental Mindoro; Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity III – Mamburao, Occidental Mindoro
Intensity II – Batangas City

Instrumental Intensities:
Intensity III – Puerto Galera, Calapan City, Oriental Mindoro
Intensity II – Calatagan, Batangas
Intensity I – San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

Dona Dominguez-Cargullo

Excerpt: Ang lindol ay naitala salas 12:52 ng hapon ngayong Biyernes, Sept. 11.

 

 

Read more...